Wednesday, December 3, 2008

call center agent = no social life??

the hell? pero ewan siguro nga totoo.. pero kailangan eh. kung gusto mo umangat ang iyong buhay magsipag ka! mabuti na yung wala kang ngang oras pero sagana naman ang buhay mo kaysa naman petix mode ka nga tag-gutom ka naman. diba?

sa ngayon eto nalang ang mga araw na kinagagalak ko:

1. Monthsary namin ng mahal kong mam

2. sweldo (kung hindi ka masaya dito kups ka)

3. day off

4. laban ni manny pacquio (optional)




ganun talaga ang buhay. pero atleast sa future sure ako na may mapapakain ako sa pamilya ko.

sabi nga ng mahal kong iya:

"ikaw na ang may pinakamalakas na hilik tao"



proud ako humilik, kasi bawat hilik ko eh katumbas ng hirap ng pagkayod ko.


ang lalim no? hindi rin nag e-emote lang ako para may dating ung blog ko

kitakits



Tuesday, December 2, 2008

nang umabsent si kosme....

eto.. ewan ko lang kung ano ba ang apekto samin ni ng pagabsent ni kosme.. pero bat ganun ang dameng weird na nangyayare, parang nagkakaron ng tribute, ayon nga kay phanie eh "tribute to pau" oh "in memoriam" kung tama ang pagkakatanda ko, pero wag naman sana mangyare (kumakatok ng tatlong beses sa ibabaw ng Computer)

marame pang pangarap si kosme, isa na dun ang pagkuha ng sweldo niya. hindi pa niya nakikita ang pagkapromote ko bilang OM ng harte-hanks, o kung hindi man eh kanang kamay ni Bill Gates.

halos lahat ng kwentuhan kanina eh kumokonekta kay kosme, sabi ko nga sa sarili ko, kung sakaling nag lalakad si kosme eh baka natapilok na un oh kaya ay biglang mapapamura ng "punyeta, pinaguusapan ata ako ah", sabay punas sa "remains" ng aching niya.


si marween ay nagdala ng mighty, the cigar of legends.. kaso sayang daw wala si kosme kaya tinira nalang nila.


inaasahan namin na papasok na si kosme bukas dahil siguro naman eh nakapagpahinga na siya dahil kung hindi eh nagkakalokohan na girl, petix mode na to girl.


malake sweldo namin ni kosme. malake girl, malakeng malake.

Saturday, November 29, 2008

MRT

eto na.. matagal ko ng gustong isalaysay ang aking mga sinasaloob at hinanakit sa punyetang transportasyon nato. pero di ako galit.



MRT



kung sakaling mag kakaanak ako ng bakla,(na utang na loob wag naman sana mangyare mam!) dito kame mag hahang-out..

lahat ng bayahe sasakyan namin. lalo na yung "peak season" ung tipong pati balakubak ng katabi mo eh natitikman mo na.



ayan na dadating na ang tren. lahat ay nakapusisyon na. pilit mong binabox-out ung tao na nasa likuran mo. at pag hinto ng tren magugulat ka nalang kasi ang tao na nasa likuran mo kanina ay andun na sa loob ng tren, nakaupo at nakangiti na parang nangungusap ang mata at sinasabing "nakaupo ako, bleh"

ngaun ay nasa loob kana ng tren.. hindi ka nakaupo dahil kulang ang iyong kakayahang manggulang. kaya nakatayo ka.. masikip. nakakairita..

eto ang mga issue:

unwanted odor moments: malimit eto sa uwian, eto ung tipong nanunuot sa ilong ung amoy ng katabi mo, pero no choice.. its either langhapin mo ang essence nia or wag kang umuwi.

foreign substances moments: dahil nga sa sobrang sisiksikan, lahat ng mga di inaasahang bagay ay maaaring mangyare, isang maling ubo na may kasamang plema, meron kang instant mudpack sa mukha.

boso moments: hindi ito base sa aking personal experience, eto ay base sa aking naoobserbahan. lalo na sa mga lalakeng nakatayo.. kunyare pa eh papaupuin ang babaeng nakatayo.. instant pogi points kumbaga, pero ang dahilan pala ay dahil medjo may kaluwagan ang blusa ng pobreng babae kaya pagupo "tadan" instant boso moment. mga punyetang manyak mamatay na kayo.

papansin moments: kadalasan eto ay applicable sa mga babae.. lalo na pag nakatayo sila.. eto ung tipong tatayo sa tapat ng lalakeng nakaupo at pilit pinapadama na "hoy babae ako, paupuin mo ko" demet. may kasabihan tayo, "lahat ng bagay ay pantay-pantay" kaya miss sorry, nagbayad din ako, perst kam perst serb.


mayaman ako tumabi kayo moments: eto punyeta to.. eto ung tipong sisikuhin ka talaga para magbigay daan ka.. tapos ipangangalandakan ang gadgets niya at mga alahas sabay hawi ng buhok na nangungusap ng katagang"bagong rebond ako!"... eh puta kung ayaw mo masikipan bumili ka ng kotse! mayaman ka eh!

misinformed moments: isa pang punyeta to, eto ung inaantok kapa. tapos umaasa ka na lang sa signal ng driver kung anong stasyon na kayo.. tapos ayan na may information na "ayala station! ayala station! pls take care of you're belongs while inside the train" ayan nagmamadali ka bumaba..mapapa *sigh* dahil sa wakas makakapasok kana.. alam mong late kana dahil tanghali ka magising kakapanuod ng koreanovela.. pag tingin mo sa signboard "araneta cubao station" biglang namula ang iyong mga mata. at mapapasigaw ka ng "punyeta mali binabaan ko"




to be continued

ang ahente at kapwa ahente

waw tagalog, diba dapat nagiingles ako? col center agent eh.. di rin.. kapag ikaw ay nagawi sa isang call center ang madalas mong mikita ay mga inglesero at inglesera. pero pag uwi nian "gago" at "ulol" parin ang mga mura nian. ayoko ng ilagay ang ibang mura aka profane languages dahil baka ako ay ma-censor. hindi ako mahilig mag blog, tulad ng title napagaya lang ako, hindi ako willing.

eto ang una kong col center experience. in other words, call center virgin ako.. demet.

medyo na intimidate ako sa mga nakakasama ko, magagaling mag ingles ang mga hayop, at magaling din ako kaya hayop din ako.

iba-iba ang mga porma ng mga hayop. may rakista, may hiphop, may konyo/conio at meron din namang nagpupumilit pumorma pero mukha paring nakapambahay.

ngaung araw eh patuloy parin ang aming phonelabs, sa mga hindi nakakalaam ng ibig sabhin ng phonelabs, ang phonelabs ang paraan para masubok ang mga kakayahayan naming mga ahente na sumagot sa mga tawag, at harapin ang mga pagsubok ng mga costumer na sa totoo lang eh wala naman akong pakialam.. opo.. eto ang trabaho ng isang ahente.. ang pakialaman ang problema ng ibang tao.


joke lang..


kasi kung wala silang problema edi wala kameng trabaho, kaya go americans and canadians! damihan niyo pa ang problema niyo! more problems more jobs.


ako ay naka logout ngaun sa aking avaya dahil lunchbreak ko ngaun pero tapos na.

kaya mag lologin nako at mag tatake ng tawag aka calls.


kitakits po ulit